Mothershare

Buying aquarium supplies at Cartimar

Last week, bumili ako ng dalawang pares na goldfishes. Gusto kasi namin ni Yesha magkaron ng pet fishes. Kaya lang, unfortunately, kinabukasan, namatay yung tatlo :(. Sabi ni Ebet, di daw kasi ako muna nagreresearch. Actually, he disapproved me buying. Di ko naman alam na ganun pala yung pag-aalaga ng pet fish, maraming ek-ek… Maraming kailangang malaman.

Anyway, meron pa kong isang natitirang goldy, Yesha named it Sea-sea. So pinilit ko mabuhay si Sea-sea kahit nakalagay lang sya sa plastic container. Buti na lang nabuhay sya after a week. Hindi ko alam, magugustuhan ko pala magkaron ng pet fish… So sabi ko kay Ebet, gusto ko mag-aquarium. Kaya ayun, Sabado de Gloria, sumugod kami sa Cartimar. Madami pa ring tao, buti na lang may nakita agad kaming parking space.

Bago pumuntang Cartimar, ang mga isdang plano kong bilhin ay guppy at tiger danios. Based from research sila yung pwedeng tankmates ni Sea-sea (common goldfish). And then plan ko rin bumili ng goldfishes din para may kasama si Sea-sea.

Hindi naman kahabaan yung linya ng mga fish stores sa Cartimar. Pero mula sa parking space namin, unang nakita ko ay yung Pet City. Nagulat ako kasi ang liliit ng guppies and danios, kasi pala mga babies yung binibenta nila. Eh worry ko baka kagatin sila ng goldies. Ang nabili ko lang sa Pet City ay dalawang Marissa snails (90php each).

Snail-aquarium-cartimar

So anyway, sa isang store dun, may nakita kaming 15 gallon glass tank with hang-on-back filter and led worth 2900php. Based kay pinoyaquarium, okay daw yung hang-on-back. So si Ebet, nagtingin-tingin sa ibang stores kung okay na ba yung price na yun. Sabi nya ok na daw yun. So yun na yung binili namin. Mas mura yung pyrex tank compared sa glass. Yung mga pyrex nasa 200-450php depending on the tank size.

After kong makabili ng tank at snails, natagalan na kami dahil hindi ako makapagdecide sa isdang bibilhin. Pumunta rin ako sa Metro City, kasi from one forum, nabasa ko okay din daw dun. Kaya lang mga babies din yung benta nila, maliliit. Sa ilang stores na napuntahan ko, wala kaming makitang common goldfishes, puro yung mga red cap at bubble eyed goldfishes lang.

And then meron pa palang isang area dun na papasok. Dun namin nakita yung napakaraming common goldfishes… Yung iba yata mga Koi na. Anyway, 4 goldies yung binili. At hulaan niyo kung magkano yung price? 2 pesos each! Samantalang yung aquarium plus filter eh 2900! Mas mahal pa yung tirahan kesa sa isdang titira. Pero ok lang, I like the temperaments of goldies.

Sa store na ring ito kamj bumili ng aquatic plants. Mura yung plants nila, 50php/string, unlike sa Pet City nasa 250php plus. Di ko nga lang sure kung ano yung mga pangalan ng plants. Nagagandahan naman ako sa mga plants na nabili namen.

And then gusto ni Ebet maglagay ng gravel stones. Nung una ayaw ko… Pero eh di sige. Yung nakita naming gravel ay 50php/pack. Two packs yung binili namen. And then, bumili rin kami ng driftwood, 100php. Gusto ni Ebet yung ma-sanga, eh di yung ma-sanga. Actually, di ko nga sure kung okay ba talaga yung prices na yan eh. Hindi lang kasi kami tumawad that time.

Yung last na nabili namen ay yung rocks. 50php/kilo. Dalawang rocks yung binili namen.

Hindi ko na napicturan yung mga binili namen. Naexcite kami i-set up agad. Hindi na nga namin si-nycle. Buti hardy fishes naman yung mga goldies.

So ito yung aquarium namin… Happy naman kami sa kinalabasan. Naka set-up yan sa kitchen counter. Para kung nasa dining-area kami, napapanood namin. At kung naghuhugas ako ng plato, napapanood ko rin sila.

And then ito lahat yung pinamili namin:

  • 2 packs of gravel stones – 50php/each
  • 5 strings of aquatic plants – 50php/string
  • Stone – 50/kilo
  • Driftwood – 100php
  • 2 Marisa snails – 90php/each
  • 4 goldfishes – 2php/each

** The three guppies and air stone were just additionals… We bought them from Bioresearch sa Megamall…

Tags:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *